6 pang CR ng iskul ginawang faculty room

MATAPOS sabihin ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ‘isolated case’ lamang ang palikuran na ginawang faculty room sa isang eskuwelahan sa Cavite, marami pang guro ang nagsiwalat ng kaparehas na karanasan.

The post 6 pang CR ng iskul ginawang faculty room appeared first on Abante News Online.

6 pang cr ng iskul ginawang faculty room - 6 pang CR ng iskul ginawang faculty room
deped 3 - 6 pang CR ng iskul ginawang faculty room

MATAPOS sabihin ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ‘isolated case’ lamang ang palikuran na ginawang faculty room sa isang eskuwelahan sa Cavite, marami pang guro ang nagsiwalat ng kaparehas na karanasan.

Nakatanggap ng report at larawan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) mula sa Maligaya High School, Sergio Osmeña High School, Bagong Silangan Elementary School at Quirino High School na pawang matatagpuan sa Quezon City hinggil sa mga CR na ginawang faculty room.

Sa Lungsod ng Maynila, ganito rin ang naging sitwasyon sa Villamor High School at Calderon High School.

Nag-ambagan umano ang mga guro para ma-convert ang CR na facul­ty room upang sa gayon ay magkaroon sila ng lugar na pagtatrabahuan matapos ang pagtuturo sa mga estudyante.

“Nowhere in any government agency will you see that employees take out from their pockets what is needed to repair government facilities. Teachers do it because they don’t have much choice and out of their vocation. This is one proof that we are not money-driven,” diin ni ACT Chairperson Joselyn Martinez.

Naunang naging viral ang lara­wan ng CR sa Bacoor National High School na ginawang faculty room. Buwelta ni Briones, isolated case lamang ito at masasabing bahagi ng drama ni Teacher Maricel. Nagbanta din ang principal ng eskuwelahan na kasuhan ang titser ng administratibo, cyber libel at destruction of government facility dahil sa pagsira sa imahe sa school.

Pinalagan din ng ACT ang sinabi ni Briones na hindi lang dapat umento sa sahod ang iniisip ng mga guro.

“Teachers are the last that should be lectured about vocation, and Sec. Briones should be the last person to do so since her P3.9 million 2018 income berefts her of any moral ascendancy on the matter,” diin ni Martinez.

“Unlike her, teachers live on poor pay but our dedication to our students and to the country drives us everyday to continue teaching and make up for the government deficiencies, even if that means ending up deep in debt and with no pension left to support us when it’s our time to rest,” dagdag pa niya.

Buwelta naman ng DepEd, gusto lamang ng ACT na pagbitiwin si Briones at pahiran itong ‘walang puso.’

The post 6 pang CR ng iskul ginawang faculty room appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *