6 OFW na naipit ng kaguluhan sa Libya, uuwi na

ANIM na overseas Filipino worker na naipit ng kaguluhan sa Libya ang nakatakdang dumating sa bansa.

6 ofw na naipit ng kaguluhan sa libya uuwi na - 6 OFW na naipit ng kaguluhan sa Libya, uuwi na
ABANTE LOGO 1 4 - 6 OFW na naipit ng kaguluhan sa Libya, uuwi na

ANIM na overseas Filipino worker na naipit ng kaguluhan sa Libya ang nakatakdang dumating sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa anim na Pinoy worker, ang apat dito ay mga babaeng nurse, isang lalaking teacher at isang lalaking worker na pawang mga kasama sa 99 na Pinoy na pauuwiin sa Pilipinas.

Bukod dito, binigyan din ng ayuda ng DFA para sa evacuation sa Tunis ang isang Thai national, na asawa ng isa sa anim na Pinoy.

Sinabi ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Elmer G. Cato, ang pagbibigay ng ayuda sa nabanggit na Thai national ay bunsod na rin sa utos sa kanila ni DFA Secretary Teodoro L. Locsin Jr. na tulungan din ang ibang lahi na nagmula sa Southeast Asia.

Habang ito ay nasa evacuation center ay binigyan ito ng pagkain at matutuluyan, kung saan bukas din ang embahada sa pagtulong sa ibang lahi, na hindi lamang sa mga Pinoy.

Nabatid pa kay Cato, nanatiling handa ang embahada para magbigay ayuda sa natitirang 1,000 mi­yembro ng Filipino Community na nasa Tripoli para sa pagpapauwi sa kanila. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *