6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis

ARESTADO ang anim na construction worker, kabilang ang isang menor de edad, na pinagtulu­ngang gulpihin ang dalawang pulis na sumita sa kanilang pagwawala kamakalawa nang gabi sa Marikina City.

The post 6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis appeared first on Abante News Online.

6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis - 6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis
poilice - 6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis

ARESTADO ang anim na construction worker, kabilang ang isang menor de edad, na pinagtulu­ngang gulpihin ang dalawang pulis na sumita sa kanilang pagwawala kamakalawa nang gabi sa Marikina City.

Swak sa Marikina City PNP detention cell ang mga suspek na nakila­lang sina Ariel Jorolan, 38; kapatid na si John Rey, 24; Jake Malino, 19; Ariel Buera, 40; Ian Capoquian, 20; at isang 17-anyos na binatilyo, na dinala naman sa Department of Social Welfare and Development, pa­wang construction worker sa ginagawang bahay sa Brgy. Concepcion Uno ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:00 nang gabi sa nabanggit na barangay.

Nagpapatrulya umano sina P/Cpl. Andrew Bryan Rodelon at Gallard Almazan nang mamataan ang mga suspek na naglalakad sa kalsada habang sumi­sigaw at naghahamon ng away.

Dahil sa nakakabulabog sa mga residente ng lugar ay agad na nilapitan ng dalawang pulis ang grupo at sinubukang sawayin subalit imbes na sumunod ay sinapak pa ni Capuquian si Rodelon habang ang 17-anyos namang suspek ay sinugod si Almazan habang tumulong naman sa pagbugbog ang iba pang suspek sa dalawang pulis.

Nakuha namang makahingi ng responde ng dalawang pulis sa mga kasamahan na agad dumating dahilan upang madakip ang anim na suspek.

Sasampahan ang mga ito ng mga kasong alarm and scandals, resisting and disobedience at direct assault dahil sa ginawa nila sa dalawang pulis. (Edwin Balasa)

The post 6 obrero kulong sa panggugulpi ng pulis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *