6 na OFW inilikas sa Libya

NASAGIP ang anim na Pinoy kasama ang isang Thai national sa Libya.

6 na ofw inilikas sa libya - 6 na OFW inilikas sa Libya
abante Liby - 6 na OFW inilikas sa Libya

NASAGIP ang anim na Pinoy kasama ang isang Thai national sa Libya.

Nabatid sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Martes (Aug. 6) nang umaga nang makita ang mga ito habang ang anim ay patungo sa Tunisia.

Ngayon ay nasa kabuuang 99 ang bilang ng mga Pinoy na nakinabang sa programang pagpapauwi ng pamahalaan.

Simula ito nang sumiklab ang kaguluhan sa Libya. Ang Thai natio­nal na kasamang nailikas ay asawa ng isang Pinay.

Bukod sa anim, mayroon pang tatlong Pinoy na humiling na makauwi at makinabang sa repatriation program, na ngayo’y pinoproseso na ang kanilang mga exit visa. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *