6 na eskuwelahan sa Benguet nasa geohazard zone

NAGHAHANAP na ng relocation site ang Department of Education para sa anim na paaralan sa Itogon, Benguet na kasama sa mga sakop ng geohazard zone.

The post 6 na eskuwelahan sa Benguet nasa geohazard zone appeared first on Abante News Online.

6 na eskuwelahan sa benguet nasa geohazard zone - 6 na eskuwelahan sa Benguet nasa geohazard zone
itogon - 6 na eskuwelahan sa Benguet nasa geohazard zone

NAGHAHANAP na ng relocation site ang Department of Education para sa anim na paaralan sa Itogon, Benguet na kasama sa mga sakop ng geohazard zone.

Kabilang dito ang Ucab Elementary School, Ampucao Elementary School, Ampucao National High School, Loakan Elementary School, Loakan National High School at Goldfield Elementary School ayon sa ginawang hazard vulnerability assessment ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM).

Ayon kay Neriza Balbosa, DRRM coordinator ng DepEd-Benguet, responsiblidad ng local government unit ng Itogon na maghanap ng ligtas na relocation site sa mga nasabing paaralan para sa kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Balbosa, isa sa mga plano ng DepEd ay gawin munang half day ang klase ng mga naturang paaralan para malimitahan ang bilang ng mga estudyanteng papasok at mailayo sila sa pa­ngamba.

Ang mga geoha­zard na lugar ay maituturing na mapanganib dahil sa banta ng iba’t ibang sakuna tulad ng landslide, pagbaha o paglubog ng lupa. (Allan Bergonia)

The post 6 na eskuwelahan sa Benguet nasa geohazard zone appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *