6 na Chinese timbog sa pagsusugal

ANIM na namang Chinese national ang naaresto dahil sa aktibidad ng illegal gambling sa loob ng isang bahay sa Barangay Tejeros sa Makati City kahapon nang madaling-araw.

6 na chinese timbog sa pagsusugal - 6 na Chinese timbog sa pagsusugal
abante online pasugalan - 6 na Chinese timbog sa pagsusugal

ANIM na namang Chinese national ang naaresto dahil sa aktibidad ng illegal gambling sa loob ng isang bahay sa Barangay Tejeros sa Makati City kahapon nang madaling-araw.

Sa detention cell ang bagsak ng anim na kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang mga naarestong dayuhan na sina Cheng Jiang Kun, 25-anyos online employee; Chen Jiang Sheng, 26, online employee; Lili Sheng Jin Jiang, 47-anyos at Wang Gui Sen, 31-anyos , pawang mga Chinese national at pansamantalang nanunuluyan sa No. 4183 Ponte St., Brgy. Terri’s ng nasabing lungsod. May dalawa pang hindi tinukoy ang mga pangalan.

Batay sa report ni Simon, isang tawag sa telepono ang natanggap ni Police Maj. Gideon Ginez, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, ukol sa umano’y nagaganap na iligal na sugal sa nabanggit na isang bahay sa nabanggit na lugar.

Agad na bumuo ng team ang pulisya at nagsagawa ng operation sa nasabing bahay na pinagsusugalan ng mga dayuhan.

Pagdating sa lugar, naulinigan ang pag-iingay sa loob ng bahay at huli sa akto ang dalawang Chinese na lalaki na naglalaro ng baraha na may nakatayang malaking pera sa mesa.

At apat pang dayuhan ang huli sa aktong tumataya na dahilan upang arestuhin ang mga nasabing suspek.

Nakumpiska mula sa mga dayuhan ang 52 pirasong baraha at tayang cash money na nagkakahalaga ng P58,630.00 mga chip at electronic table.

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang anim na suspek at sasampahan ng ng kasong paglabag sa PD 1602 sa Makati City Prosecutor’s Office. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *