6 estudyante dinakma sa marijuana

marijuana

ANIM na estudyante, kabilang ang isang menor de edad ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Quezon City noong Martes nang gabi.

The post 6 estudyante dinakma sa marijuana appeared first on Abante News Online.

6 estudyante dinakma sa marijuana - 6 estudyante dinakma sa marijuana
marijuana2 - 6 estudyante dinakma sa marijuana

ANIM na estudyante, kabilang ang isang menor de edad ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Quezon City noong Martes nang gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga nadakip na pansamantalang hindi pinangalanan ay nakumpiskahan ng P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana na galing pa umanong Baguio.

Sa report ng pulisya, unang nabilhan ng marijuana ang apat na kabataan sa labas ng isang hotel sa Quirino Highway, habang ang dalawa nilang kasamahan ay naka-check in sa loob.

Nabatid na dalawa sa naarestong suspek ay magtatapos na sana sa kursong Marine Transportation at Marke­ting sa susunod na linggo.

Labis naman ang pagsisisi ng isa sa mga suspek at sinabing nahihiya siya at naaawa sa kaniyang mga magulang na nagpapakahirap na pag-aralin siya pero sinuklian pa niya ng paggamit niya ng ipinagbabawal na droga.

The post 6 estudyante dinakma sa marijuana appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *