6-anyos na Fil-Am bida sa chess sa US

HIGHEST-RATED player na sa kanyang mga ka-edad sa buong Amerika ang isang 6-anyos na Filipino-American chess player. Ayon sa United States Chess Federation sa ulat ng Inquirer.net, bagama’t pang-22 sa September ratings si Scott Matthew Escalera sa grupong 7-anyos pababa, nanguna ito sa kanyang mga ka-edad.

6 anyos na fil am bida sa chess sa us - 6-anyos na Fil-Am bida sa chess sa US
ABANTE chess - 6-anyos na Fil-Am bida sa chess sa US

HIGHEST-RATED player na sa kanyang mga ka-edad sa buong Amerika ang isang 6-anyos na Filipino-American chess player. Ayon sa United States Chess Federation sa ulat ng Inquirer.net, bagama’t pang-22 sa September ratings si Scott Matthew Escalera sa grupong 7-anyos pababa, nanguna ito sa kanyang mga ka-edad.

Mayroon itong Elo rating 1311, nasa 62 puntos ang agwat sa Elo rating 1249 ni James ­Stewart ng Connecticut.

Bunga raw ito ng dedikasyon sa pagtuturo ng kanyang pinsang si Jaime Joshua Frias II, ayon sa Kagayanong tatay ni Scott na si Ren Vincent.

Sa ngayon, nanalo na ng 96 tropeo, 36 medalya, ilang sertipiko at pera si Scott sa 18 buwan nitong paglalaro ng chess. (Riley Cea)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *