6.8M shabu sa abandonadong kotse sa Bulacan

HALOS aabot sa isang kilo ng shabu ang natagpuan sa abandonadong kotse sa Brgy. Camachilihan sa munisipalidad ng Bustos, Bulacan .

The post 6.8M shabu sa abandonadong kotse sa Bulacan appeared first on Abante News Online.

6 8m shabu sa abandonadong kotse sa bulacan - 6.8M shabu sa abandonadong kotse sa Bulacan
shabu 1 - 6.8M shabu sa abandonadong kotse sa Bulacan

HALOS aabot sa isang kilo ng shabu ang natagpuan sa abandonadong kotse sa Brgy. Camachilihan sa munisipalidad ng Bustos, Bulacan.

Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, nakatanggap ng tawag ang Bustos Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay ng iiniwang itim na Daewoo car na may plate number XKP-622.

Nang puntahan ito ng mga pulis at inspeksyunin ang kotse ay tumambad ang berdeng pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu. Nakalagay ito sa isang selyadong pulang plastic bag.

Ang pakete na may Chinese marking ay halos katulad ng nasamsam na P1.1 bilyong shabu sa Muntinlupa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Samantala, masusing iniimbestigahan ng Highway Patrol Group ang abandonadong kotse na may kargang droga.

The post 6.8M shabu sa abandonadong kotse sa Bulacan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *