58K bata sa Valenzuela target bakunahan ng DOH

PURSIGIDO ang Department of Health (DOH) sa kanilang kampanya na mabakunahan ang may 9, 913, 032 mga bata sa bansa, upang maprotektahan sa vaccine preventable diseases, kaugnay sa School-based Immunization (SBI) program ng kagawaran.

The post 58K bata sa Valenzuela target bakunahan ng DOH appeared first on Abante News Online.

58k bata sa valenzuela target bakunahan ng doh - 58K bata sa Valenzuela target bakunahan ng DOH
bakuna 1 - 58K bata sa Valenzuela target bakunahan ng DOH

PURSIGIDO ang Department of Health (DOH) sa kanilang kampanya na mabakunahan ang may 9, 913, 032 mga bata sa bansa, upang maprotektahan sa vaccine preventable diseases, kaugnay sa School-based Immunization (SBI) program ng kagawaran.

Pagkatapos dumating noong Hulyo 3 sa Signal Village National High School sa Taguig City, kunsaan umabot sa 2, 259 na mga mag-aaral mula sa Grade 1 hanggang Grade 7 ang nabakunahan kontra Tetanus-diphtheria.

Martes ng alas-nuwebe nang umaga, lumarga ang team ni DOH Secretary Francisco T. Duque 111 sa Apolonia, Rafael Ele­mentary School sa Barangay Ma­pulang Lupa, Valenzuela City, para bakunahan ang mga mag-aaral doon.

Sa Grade 1 hanggang Grade 7 learners, nasa kabuuang 14,967 ang nabakunahan sa measles containing vaccine (MCV) at te­tanus-diphtheria at 3, 473 female pupil ang nabigyan ng Human Papillomavirus Vaccine (HPV).

Bawat nanay ay may nilagdaang papel na pumapayag ang mga ito na mabakunahan ang mga anak.

Target ng kagawaran na mabakunahan ang may 58,037 na mga bata sa Valenzuela City.

Ayon kay Sec. Duque, dapat magtiwala ang mga nanay sa kampanyang ito ng DOH, dahil para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak, upang makaiwas sa mga sakit.

Simula nang pumutok ang kontrobersiya sa ‘Dengvaxia,’ maraming mga nanay ang natakot at hindi na dinala pa sa mga health center ang kanilang mga anak, para pabakunahan.

Sa pangyayaring ito, nagkaroon ng outbreak sa tigdas sa National Capital Region lalo na sa mga karatig probinsya at iba pang mga sakit na dapat sanang mapigilan sa pamamagitan ng bakuna.

“To all parents and caregivers, protect your children against vaccine preventable diseases. Bring them back to health centers and or them vaccinated in schools. Back to health centers, back to schools. Back to bakuna,” pagtatapos ni Duque. (Orlan Linde)

The post 58K bata sa Valenzuela target bakunahan ng DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *