58% ng mga Pinoy, stressed — survey

HALOS anim sa bawat sampung Pilipino ang stressed, ayon sa isang global survey.

The post 58% ng mga Pinoy, stressed — survey appeared first on Abante News Online.

58 ng mga pinoy stressed survey - 58% ng mga Pinoy, stressed — survey
stressed - 58% ng mga Pinoy, stressed — survey

HALOS anim sa bawat sampung Pilipino ang stressed, ayon sa isang global survey.

Ayon sa Global Emotions report ng Gallup, 58% ng mga Pinoy ang nagsabing nakaranas sila ng stress isang araw bago isinagawa ang survey.

Umabot sa 1,000 Pinoy ang tinanong sa face-to-face survey na ginawa noong Setyembre 14 hanggang Oktubre 1, 2018.

Kabilang sa lengguwaheng ginamit sa pagtatanong ay Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Cebuano, Maranao, Waray at Sorsoganon.

Ang bansang may pinakamaraming stressed ay ang Greece na may 59%.
Nasa ikalawa ang Pilipinas, ikatlo ang Tanzania (57%) at mga bansang Albania, Iran, Sri Lanka at United States na parehong may 55%.

Sumusunod ang Uganda (53%) at Costa Rica, Rwanda, Turkey at Venezuela na may parehong (52%).

Kabuuang 151,000 ang sinalang sa survey sa 148 bansa noong 2018.

The post 58% ng mga Pinoy, stressed — survey appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *