5,744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw — DOH

dengue

May 5,744 kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa sa loob lamang ng pitong araw.

The post 5,744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw — DOH appeared first on Abante News Online.

5744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw doh - 5,744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw — DOH
dengue1 - 5,744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw — DOH

May 5,744 kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa sa loob lamang ng pitong araw.

Sa record ng DOH na inilabas kahapon, nangyari ito mula Hunyo 30, hanggang Hulyo 6 na mas mataas ng 22% kumpara sa 4,703 kaso lamang ng sakit na naitala sa kahalintulad ng petsa noong nakaraang taon.

Sanhi ng naturang mga bagong kaso ng dengue, umaabot na sa kabuuang 115,986 kaso ang naitala ng DOH simula Enero 1 hanggang Hulyo 6 .

Nabatid na karamihan umano sa mga kaso ng sakit ay mula sa Region 6 na umabot na sa 15,826 kaso; sumunod ang Region 4A na may 12,780 kaso; Region 12 na may 9,572 kaso; at Region 10 na uma­bot sa 9,354 kaso; at Region 7 na may 9,259 cases.

Kaugnay nito, bumaba naman ang kaso ng sakit na naitala sa National Capital Region (NCR) na mula sa dating 8,603 noong 2018 ay naging 7,768 na lamang ngayong 2019.

Malaking bilang ng apektado ay nasa age group na 5-9 taong gulang, na 23% ng kabuuang kaso, sumunod ang age group na 10-14, na nasa 19% naman.
Mas marami sa nagka-dengue ay mga lalaki o 52% ng kabuuang kaso habang 48% naman ang mga babae.

Muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ipatupad ang 4S para hindi dapuan ng dengue. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 5,744 kaso ng dengue naitala sa loob ng 7 araw — DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *