552 pulis magbabantay sa Bilibid

1B gagastusin ng PNP sa illegal drugs sa karagatan

Papasukin na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang New Bilibid Prison (NBP) para umasiste sa Bureau of Corrections (BuCor) para maitigil ang mga iregularidad sa loob ng bilangguan.

552 pulis magbabantay sa bilibid - 552 pulis magbabantay sa Bilibid
pnp 2 - 552 pulis magbabantay sa Bilibid

Papasukin na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang New Bilibid Prison (NBP) para umasiste sa Bureau of Corrections (BuCor) para maitigil ang mga iregularidad sa loob ng bilangguan.

Kinumpirma ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na nasa 552 mga pulis ang itinalaga bilang karagdagang puwersa sa pagpapatupad ng reporma sa BuCor.

Ang pagtatalaga ay base sa kahilingan ng bagong talagang BuCor Director General Gerald Bantag matapos nitong sipain ang nasa 300 prison guard ng maximum security compound ng NBP.

“Director General Bantag has asked for assistance because he is looking for personnel he could trust. That is why we decided to extend help by providing him with the initial manpower he wants to secure the NBP since the location of the NBP is within the jurisdiction of NCRPO,” ayon kay Eleazar.

Nabigyan naman ng clearance ang mga itinalagang pulis ng Phi­lippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na papasok sa Bilibid.

Kasabay nito ang babala sa mga kapulisan na huwag tumanggap ng mga suhol mula sa mga preso kung hindi ay mananagot sila.

“Huwag ninyong sisirain ang mataas na tiwala sa atin ng pinuno ng Bureau of Corrections. Narito tayo upang tulungan siyang mai­patupad ang utos ng ating Commander-in-Chief, President Rodrigo Roa Duterte, na linisin ang katiwalian at operasyon ng droga dito sa Bilibid,” ayon kay Eleazar sa kanyang mga tauhan sa NCRPO.

Ayon naman kay BuCor spokesperson Wena Fe Dagan, Biyernes nang hapon, ipinatupad ang relieve order sa 300 BuCor personnel na posibleng may kaugnayan sa operasyon ng iligal na droga at iba pang anomalya sa loob ng Bilibid. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *