524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents

UMALMA ang mga estud­yante ng University of the Phi­lippines-Los Baños (UPLB) dahil sa umano’y hindi makataru­ngang paghihigpit ng Board of Regents sa mga estudyante.

The post 524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents appeared first on Abante News Online.

524 uplb student di naka enroll sa higpit ng board of regents - 524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents
UP 1 - 524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents

UMALMA ang mga estud­yante ng University of the Phi­lippines-Los Baños (UPLB) dahil sa umano’y hindi makataru­ngang paghihigpit ng Board of Regents sa mga estudyante.

Bunsod nito ay magpoprotesta ang Samahan ng Kabataan Para sa Bayan kasabay ng pulong ng Board of Regents ngayong alas-otso nang umaga sa UP-Diliman.

Inirereklamo ng mga estudyante ang ipinatupad na UPLB Admin Registration Guidelines na dahilan para ‘di nakapag-enroll ang may 524 UPLB students.

Ayon sa grupo, pinagkaitan umanong mag-aral ang mga estudyante ngayon semestre dahil sa “No late registration policy” na itinuturing nilang kabilang sa mga anti-student policies.

Sa kabila umano ng libreng tuition fee sa mga state universities and colleges (SUCs), maraming estudyante ng UPLB ang hindi nakapag-enroll.

Gayunman ay nanatiling tahimik ang administration at bilang tugon ay nagpadala ng memorandum sa mga professor ang UPLB na huwag tanggapin sa klase ang mga hindi naka-enroll na estudyante.

The post 524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents appeared first on Abante News Online.

1 thought on “524 UPLB student ‘di naka-enroll sa higpit ng Board of Regents

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *