50K Pinoy sa Saudi nanganganib

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na handa itong ilikas ang 50,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nasa lugar na naapek­tuhan ng pambobomba sa dalawang oil plant ng Saudi Arabia.

50k pinoy sa saudi nanganganib - 50K Pinoy sa Saudi nanganganib
ABANTE Saudi Arabia - 50K Pinoy sa Saudi nanganganib

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na handa itong ilikas ang 50,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nasa lugar na naapek­tuhan ng pambobomba sa dalawang oil plant ng Saudi Arabia.

Sabi ng DOLE kahapon, pinag-aaralan pa nito ang magiging epekto na paglilikas sa kaligtasan at seguridad ng mga OFW at mino-monitor pa nito ang pangyayari roon.

Kinumpirma naman ng kagawaran na walang Pilipino na namatay sa pambobomba ng drone ng Houthi rebels nitong weekend.

“So far, no reports of OFWs injured or negatively affected by the attack and no work disruption was reported. Our Philippine Overseas Labor Offices in Al Khobar, Riyadh, and Dammam are also on top of the situation to check on the conditions of our OFWs,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Nakikipag-ugnayan din ang DOLE sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibleng pag­likas ng mga OFW sakaling lumala ang sitwasyon sa lugar.

“We are coordinating with the DFA on the deve­lopment of the situation for constant assessment. But we are ready for any eventual repatriation to ensure the safety and security of OFWs, or help them secure employment in the other areas,” dagdag ni Bello.

Ang Saudi Arabia ang pinakamalaking oil exporter sa mundo at 24% ng 2.3 milyong OFW sa buong mundo ang nagtatrabaho roon.

Nauna nang nagbabala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na malaki ang magiging epekto sa Pilipinas ng pambobomba sa mga oil plant ng Saudi Arabia.

Ilang analyst na ang nagsabing tataas ang pres­yo ng produktong petrolyo sa bansa.

Pero wala pang ideya ang Malacañang kung ano talaga ang epekto ng Saudi bombing sa Pilipinas.

“We will have to wait for the report of the DND secretary and the NSA including the DOE,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo. (Eileen Mencias/Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *