50-anyos ginulpi ng 4 bagets, todas

Binawian ng buhay ang isang 50-anyos na lalaki habang sugatan naman ang pinsan nito at kaibigan matapos silang gulpihin ng apat na kabataan sa Caloocan City, Linggo nang madaling-araw.

50 anyos ginulpi ng 4 bagets todas - 50-anyos ginulpi ng 4 bagets, todas
patay 10 - 50-anyos ginulpi ng 4 bagets, todas

Binawian ng buhay ang isang 50-anyos na lalaki habang sugatan naman ang pinsan nito at kaibigan matapos silang gulpihin ng apat na kabataan sa Caloocan City, Linggo nang madaling-araw.

Dead on-the-spot si Ri­chard Gregorio, ng Barangay Tugatog, Malabon City, dahil sa labis na pinsala sa ulo.

May mga black eye at mga pasa rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang pinsan nitong si Simplicio Navarro, 49-an­yos, binata, nakatira sa Dulang Brunce, Malabon City gayundin ang kaibigang si Luisito Bayan, 50.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-tres nang madaling-araw, bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan ang mga biktima sa Monumento Circle, Barangay 78, Caloocan City.

Lumapit sa kanila ang mga suspek na sina Rolly John Alave, 24; Racky Pacite, 24; Benmar Caritay, 23 at Rogelio Barrquillo, 20.

Laking gulat ng tatlong biktima nang bigla silang pagsasapakin ng apat kaya hindi na nakalaban at tuluyang nabugbog.

Pinagsusuntok ng mga ito si Richard kung saan bumagsak sa semento at tumama ang ulo nito na siya niyang ikinasawi.

Tumakas ang mga salarin subalit hinabol sila ng mga naroroon hanggang sa duma­ting ang mga barangay tanod ni Chairman Peewee Nicolas ng Barangay 78 at dinala ang mga una sa presinto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *