5 Western Visayas LGU tatanggap pa ng LSI

Limang local government unit (LGU) sa Western Visayas ang nagpahayag na tatanggap pa rin ito ng mga locally stranded individual (LSI) sa kabila ng pinatupad na 14 araw na suspension sa repatriation sa nasabing rehiyon.

The post 5 Western Visayas LGU tatanggap pa ng LSI first appeared on Abante.

5 western visayas lgu tatanggap pa ng lsi - 5 Western Visayas LGU tatanggap pa ng LSI
Wester Visayas - 5 Western Visayas LGU tatanggap pa ng LSI

Limang local government unit (LGU) sa Western Visayas ang nagpahayag na tatanggap pa rin ito ng mga locally stranded individual (LSI) sa kabila ng pinatupad na 14 araw na suspension sa repatriation sa nasabing rehiyon.

Sa liham na pinadala sa Regional Inter-Agency Task Force mula kina Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., Antique Governor Rhodora Cadiao, Guimaras Governor Samuel Gumarin, Negros Occidental Eugenio Lacson, at Iloilo City Mayor Jerry Treñas, hinayag ang kanilang intensyon para tumanggap ng mga LSI na may pagsunod sa local health protocol.

Una rito, hiniling ng Roxas City at Bacolod City ang moratorium sa mga babalik na LSU hanggang Setyembre 30.

Hiniling rin ng mga opisyal sa Western Visayas sa mga uuwing residente o overseas Filipino na sumailalim sa mandatory quarantine at testing sa kanilang pagdating sa rehiyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Prince Golez)

The post 5 Western Visayas LGU tatanggap pa ng LSI first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *