5 vendor rumaket magbenta ng baril, droga

Dahil umano sa paghina ng kita sa pagbebenta sa kalsada, luminya sa pagtutulak ng iligal na droga at baril ang limang vendor na nadakip sa operasyon sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

The post 5 vendor rumaket magbenta ng baril, droga appeared first on Abante News Online.

5 vendor rumaket magbenta ng baril droga - 5 vendor rumaket magbenta ng baril, droga
Abante droga - 5 vendor rumaket magbenta ng baril, droga

Dahil umano sa paghina ng kita sa pagbebenta sa kalsada, luminya sa pagtutulak ng iligal na droga at baril ang limang vendor na nadakip sa operasyon sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/ Lt. Col. Ferdie Del Rosario ang mga hinuling suspek na sina George Morales, 44; Rannie Valverde, 36; Edwin Espera, 41; Cris­pin Vizmanos, 59; at Karen John Montalban, 34.

Bandang alas-otso nang gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Northern Police District-District Special Operation Unit (NPD-DSOU) at ang Caloocan Police Station.

Base sa impormasyon na nakalap ng mga pulis, bantog na ang mga pa­ngalan ng mga suspek na bukod sa pagiging vendor ay lumilinya sila sa pagbebenta ng droga, baril at mga bala.

Sa kahabaan ng Interior 10, Mabini Street, Barangay 33 ang tagpuan kunsaan isa sa mga pulis ang nag-underco­ver at umiskor ng 20 pi­raso ng bala ng cal. 45 sa limang suspek.

Matapos iaabot ang mga bala na nagkakaha­laga ng P400, dito na sila inaresto.

Nasamsam pa sa mga hinuli ang 22 plastic sachet na may lamang shabu na ang market value ay nasa mahigit P40,000.

Nahaharap sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang mga suspek. (Orlan Linde)

The post 5 vendor rumaket magbenta ng baril, droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *