5 ulo pa gugulong sa gabinete

May nakaumang na mini-revamp sa hanay ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post 5 ulo pa gugulong sa gabinete appeared first on Abante News Online.

5 ulo pa gugulong sa gabinete - 5 ulo pa gugulong sa gabinete
abante gabinete - 5 ulo pa gugulong sa gabinete

May nakaumang na mini-revamp sa hanay ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa ambush interview sa kanya sa Malacañang noong Huwebes nang gabi matapos panumpain si senator-elect Bong Go.

Ayon sa Pangulo, limang opisyal ang mapapabilang sa mini-revamp subalit tumangging pangalanan kung sino-sino ang mga ito.

“Ilang bakante? Ilan ba ‘yung…? Gusto ko ng medyo — hindi naman major. Mini revamp, mini lang, mini revamp. Ang mga position? Sa cabinet members lima. Lima ka-positions na gusto kong mabakante,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na isang isyu lamang para maalis ang isang opisyal ng gobyerno at ito ay ang korapsiyon.

“Ang issue lang naman diyan is corruption. Kung hindi ka corrupt, you can just work. So that’s the definition of your work,” dagdag pa ng Pangulo.

Kabilang sa posibleng mabigyan ng bagong puwesto ay ang dating appointee na nagbitiw bago mag-eleksiyon, at isang personalidad na naging kontrbersiyal nitong nakalipas na mga linggo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

The post 5 ulo pa gugulong sa gabinete appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *