5 todas, 3 sugatan sa pumalpak na Russia rocket test

Limang katao ang namatay habang tatlo naman ang sugatan sa pagsabog ng rocket sa naval test range sa Russia noong Huwebes.

5 todas 3 sugatan sa pumalpak na russia rocket test - 5 todas, 3 sugatan sa pumalpak na Russia rocket test
ABANTE rocket - 5 todas, 3 sugatan sa pumalpak na Russia rocket test

Limang katao ang namatay habang tatlo naman ang sugatan sa pagsabog ng rocket sa naval test range sa Russia noong Huwebes.

Ayon sa state nuclear company Rosatom, naganap ang aksidente sa ginawang pagsu­bok sa liquid propellant rocke­t engine.

Nabatid na ang tatlong sugatan na staff ay nagtamo ng lapnos sa malaking bahagi ng kanilang katawan.

Kabilang umano sa nagtatrabaho sa Nyonoksa site ay ang engineering at technical team na siyang gumagawa ng “isotope power source” para sa propulsion system.

Bawat missile system na ginagamit ng Russian Navy, kabilang na ang intercontinental ballistic missile, cruise missile at anti-aircraft missile ay sa Nyonoksa site muna sinusubukan bago ipagamit sa navy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *