5 taon nagtago: Killer ng obrero kalaboso

NAGWAKAS na ang limang taong­ pagtatago ng isang construction worker na nanaksak at pumatay ng katrabaho, nang mahuli ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD), kamakalawa nang gabi sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

The post 5 taon nagtago: Killer ng obrero kalaboso appeared first on Abante News Online.

5 taon nagtago killer ng obrero kalaboso - 5 taon nagtago: Killer ng obrero kalaboso
police 10 - 5 taon nagtago: Killer ng obrero kalaboso

NAGWAKAS na ang limang taong­ pagtatago ng isang construction worker na nanaksak at pumatay ng katrabaho, nang mahuli ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD), kamakalawa nang gabi sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Norwin Pamo, 29, residente ng nasa­bing barangay.
Ayon kay P/Lt. Dindo Tanteo, hepe ng Mobile Force Battalion Intelligence Operatives, sa bisa ng warrant of arrest inaresto si Pamo na kinikilalang Top 10 Most Wanted­ Person ng EPD sa kasong homicide bandang alas-7:32 kamakalawa nang gabi matapos ang ilang taong follow-up operation.

Sangkot umano si Pamo sa kasong homicide na naganap noong Enero 26, 2014.

Napatay umano ni Pamo si Edgardo Epoc, construction worker,­ nang matalo ang suspek at mapikon habang nagpupustahan sila sa sugal na cara y cruz.

Nauwi sa mainitang pagtatalo at pagsusuntukan ng dalawa hanggang sa makakuha ng kut­silyo ang suspek at agad na sinaksak ang biktima.

Nagtamo ng multiple-stab wound sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at idineklarang dead-on-arrival nang dalhin sa Mandaluyong City Medical Center at doon na nawala ang suspek at nagtago.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig City detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kaso. (Vick Aquino)

The post 5 taon nagtago: Killer ng obrero kalaboso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *