5 OFW sa Kuwait namatay sa loob ng 2 linggo

PINAALALAHANAN ng isang pari ang mga overseas Filipino worker (OFW) na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

The post 5 OFW sa Kuwait namatay sa loob ng 2 linggo appeared first on Abante News Online.

5 ofw sa kuwait namatay sa loob ng 2 linggo - 5 OFW sa Kuwait namatay sa loob ng 2 linggo
kuawi - 5 OFW sa Kuwait namatay sa loob ng 2 linggo

PINAALALAHANAN ng isang pari ang mga overseas Filipino worker (OFW) na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Father Restituto Ogsimer, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nakalulungkot na sa loob ng dalawang linggong paglilibot nila sa mga Filipino community sa Kuwait ay limang Pilipino na ang pumanaw.

Kalimitang sanhi umano ng kanilang pagkakasakit at pagkamatay ay stroke at brain aneurism.

Ikinabahala ni Ogsimer na isa sa mga pumanaw ay 27-taong gulang pa lamang habang ang iba ay nasa 40 hanggang 50 ang edad.

Ani Ogsimer, mahalagang laging matiyak na malusog ang kanilang pangangatawan dahil iba ang kultura ng mga trabaho sa ibang bansa.

“Health is really a primary requirement, ang good health status ay napakahalaga and isipin po ninyo na pagsampa ninyo sa ibang bansa, the vulnerability is higher napakataas kasi hindi natin masisigurado kung ano ang working conditions, dynamics ng papasukan nating trabaho.” pahayag pa ng pari.

Pinayuhan din niya ang mga OFW na suriin at tiyakin na maayos ang kanilang magiging employer bago makipagsapalaran sa ibayong dagat.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo habang umaabot sa 6,000 Pinoy ang umaalis sa bansa kada araw. (Mia ­Billones)

The post 5 OFW sa Kuwait namatay sa loob ng 2 linggo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *