5 menor de edad huli sa pot session

Arestado ang limang hindi na pinangalanang menor de edad matapos maaktuhang nagpa-pot session sa kalsada ng Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City, Sabado ng madaling-araw.

5 menor de edad huli sa pot session - 5 menor de edad huli sa pot session
marijuana1 1 - 5 menor de edad huli sa pot session

Arestado ang limang hindi na pinangalanang menor de edad matapos maaktuhang nagpa-pot session sa kalsada ng Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City, Sabado ng madaling-araw.

Batay sa report ng Zamboanga Police, nagsasagawa ng foot patrol ang pulisya nang mamataan ang grupo ng kabataan sa madilim na bahagi ng Barangay Sta. Barbara.

Agad na sinita ang mga ito subalit isa-isang nagtakbuhan at nalambat ang limang menor de edad.

Nakumpiska mula sa kanila ang ilang piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at agad na dinala sa pulisya para sa imbestigasyon at binalaan ang mga magulang nito. (Vick Aquno)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *