5 Iloilo mayor pinagpaliwanag sa delay na SAP distribution

Binigyan ng pagkakataon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magpaliwanag ang limang alkalde sa Iloilo dahil sa pagkabigo umano nitong maabot ang deadline para sa pamamahagi ng social amelioration program.

5 iloilo mayor pinagpaliwanag sa delay na sap distribution - 5 Iloilo mayor pinagpaliwanag sa delay na SAP distribution
abante sap 1 - 5 Iloilo mayor pinagpaliwanag sa delay na SAP distribution

Binigyan ng pagkakataon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magpaliwanag ang limang alkalde sa Iloilo dahil sa pagkabigo umano nitong maabot ang deadline para sa pamamahagi ng social amelioration program.

Ayon kay DILG Iloilo Provincial Director Teodora Sumagaysay, naglabas na ng show cause order kina Alimodian Mayor Geefre Alonsabe; Leon Mayor Ma. Lina Holipas; Oton Mayor Carina Flores; Tigbauan Mayor Suzette Alquisada; at Tubungan Mayor Roquito Tacsagon.

“We had a deadline for the distribution of the SAP. They were given until midnight of May 10. They were not told to distribute 100 percent of the SAP but the DILG was checking if the local governments have accomplished 80 percent to constituents. Those municipalities that had less than 80 percent were issued show cause orders,” sabi ni Sumagaysay.

Mayroong 48 oras ang mga alkalde para magbigay ng written explanation. Maaari umano silang maharap sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act kung hindi maipapaliwanag nang maayos ang insidente. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *