5 college student inararo ng kotse

Sugatan ang limang college student matapos ang mga itong salpukin ng isang rumaragasang kotse na minamaneho ng isang Nigerian national at binangga rin nito ang isang nakaparadang motorsiklo na iniulat kahapon sa Las Piñas City.

5 college student inararo ng kotse - 5 college student inararo ng kotse
crime 13 - 5 college student inararo ng kotse

Sugatan ang limang college student matapos ang mga itong salpukin ng isang rumaragasang kotse na minamaneho ng isang Nigerian national at binangga rin nito ang isang nakaparadang motorsiklo na iniulat kahapon sa Las Piñas City.

Sanhi ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay patuloy pa ring ginagamot sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang sina Michelle Diaz; Mae Zosimo; Warren Malanan; John Christian Martine at Rizza Enriquez, pawang mga nasa hustong gulang, kapwa 1st year college sa Dr. Felimon Aguilar Industrial Technology at naninirahan sa Barangay CAA ng nabanggit na lungsod.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas City Traffic Bureau ang driver na si Jeorge 0uli, 41, isang Nigerian national. Nahaharap ito sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries at Damage Property.

Ayon sa report na natanggap ng Las Piñas City Police, alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Dhalia at Everlasting Sts. Barangay Pamplona 3, ng nasabing lungsod.

Walang kamalay-malay at masayang naglalalakad ang mga biktima nang biglang humarurot ang isang Honda Civic na may plakang URC-518 at minamaneho ng nasabing dayuhan.

Hindi nito nakontrol ang preno hanggang sa mahagip ang limang estudyante. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *