5 biktima ng human trafficking naharang sa Clark airport

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga ang limang hindi dokumentadong overseas Filipino worker (OFW) na nagtangkang umalis ng bansa na nagkunwaring mga turista.

The post 5 biktima ng human trafficking naharang sa Clark airport appeared first on Abante News Online.

5 biktima ng human trafficking naharang sa clark airport - 5 biktima ng human trafficking naharang sa Clark airport
huamn - 5 biktima ng human trafficking naharang sa Clark airport

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga ang limang hindi dokumentadong overseas Filipino worker (OFW) na nagtangkang umalis ng bansa na nagkunwaring mga turista.

Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na pawang kababaihan ay naharang sa dalawang magkahiwalay na insidente noong Mayo 8 ng mga enforcement officer habang pasakay ng kanilang mga flight sa Malaysia at United Arab Emirates.

Natuklasan na ang tatlong babae ay papun­ta ng Kota Kinabalu kung saan sila ay tinanggap upang magtrabaho bilang mga entertainer sa nightclub habang ang dalawa ay papuntang Lebanon na magtatrabaho bilang kasambahay.

“Obviously these women have been victimized by unscrupulous human trafficking syndicates that prey on the poor. We must pursue cases against these illegal recruiters to protect our fellow Filipinos from exploitation in foreign lands,” wika ni Medina.

Ang limang pasahero ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at tulong. (Mina Aquino)

The post 5 biktima ng human trafficking naharang sa Clark airport appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *