5 barangay sa Paranaque zero COVID

Limang barangay sa Paranaque City na kinabibilangan ng Don Galo, La Huerta, San Dionisio, Vitalez at Sun Valley ang walang naitalang mga bagong kaso ng coronavirus disease ayon kay Mayor Edwin Olivarez.

The post 5 barangay sa Paranaque zero COVID first appeared on Abante.

5 barangay sa paranaque zero covid - 5 barangay sa Paranaque zero COVID
Paranaque City - 5 barangay sa Paranaque zero COVID

Limang barangay sa Paranaque City na kinabibilangan ng Don Galo, La Huerta, San Dionisio, Vitalez at Sun Valley ang walang naitalang mga bagong kaso ng coronavirus disease ayon kay Mayor Edwin Olivarez.

Gayunman, may 51 active case na naitala noong Martes sa buong lungsod.

Ayon sa report ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) umabot sa 6,648 ang kaso ng COVID-19 kungsaan nasa 6,404 (96.3%) ang gumaling at 168 (2.5%) ang nasawi simula noong Marso.

Ayon kay CESU chief Dr. Darius Sebastian, patuloy ang pagbaba ang kaso ng virus sa lungsod nitong nakaraang linggo.

Sa Barangay Don Galo nakapagtala ng 207 gumaling mula 210 confirmed cases na may 3 namatay. Simula noong Martes, zero active case sa lugar, ayon kay Sebastian.

May 209 mula sa 214 kumpirmadong kaso sa Barangay La Huerta ang gumaling habang sa Barangay San Dionisio ay may 564 katao ang nakarekober mula sa 582 confirmed cases kung saan 18 ang nasawi simula noong Marso.

Sa Bgy. Vitalez, nasa 115 residente ang gumaling mula sa 116 kaso at isa ang namatay simula ng pandemya 8 buwan na ang nakararaan. Wala nang naitatalang bago kaso simula noong Martes.

Wala ng aktibong COVID-19 case sa Bgy. Sun Valley dahil sa 526 kaso, nasa 514 ang gumaling na
habang 12 ang nasawi.

Malaking tulong umano ang kooperasyon ng mga residente sa mga medical official mg nabanggit na mga barangay bukod sa pagsunod sa mga health protocol para mapababa ang kaso ng virus ngayong buwan.

The post 5 barangay sa Paranaque zero COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *