4K patay sa COVID tinago ng DOH

NANINIWALA si dating COVID-19 task force special adviser Tony Leachon na aabot sa 4,000 ang bilang ng mga nasawi na hindi nasasama sa official tally ng death toll sa new coronavirus ng gobyerno sa ilalim ng Department of Health (DOH) dahil namatay ang mga ito na hindi nalalaman na sila’y may virus.

4k patay sa covid tinago ng doh - 4K patay sa COVID tinago ng DOH
abante doh 4 - 4K patay sa COVID tinago ng DOH

NANINIWALA si dating COVID-19 task force special adviser Tony Leachon na aabot sa 4,000 ang bilang ng mga nasawi na hindi nasasama sa official tally ng death toll sa new coronavirus ng gobyerno sa ilalim ng Department of Health (DOH) dahil namatay ang mga ito na hindi nalalaman na sila’y may virus.

“Ang tingin ko niyan, underreported ang deaths natin siguro ng mga 4,000. Kasi ang dami po sa emergency room, maging sa hospital namin, at sa Philippine General Hospital at many other hospitals, that the patients would only come to the hospital, siyempre dahil wala silang pera, malala na po,” ayon kay Leachon sa panayam sa TeleRadyo.

Aniya, mayroong mga malalang kaso na sa ospital na hindi na nasa-swab test dahil inabot na ng kamatayan.

“At hindi na sila nare-record. Pero pag-Xray nila, the typical COVID-19 pneumonia ho iyon. Kaya lang hindi natin sila maire-report,” aniya pa.

Sa pinakahuling ulat ay abot na sa 2,039 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19, base sa DOH.

Binanggit din ng dating adviser ng Task force COVID ang naging pag-aaral ng University of the Philippines na ang death toll sa katapusan ng Agosto ay papalo sa 4,000 mula sa 150K nagpositibo.

Numero uno na rin ang Pinas sa listahan ng may maraming bilang ng ‘active case’ sa Southeast Asia.

Wala pang reaksyon ang DOH patungkol sa alegasyong ibinato ni Leachon.(RP)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *