47K na lasenggo, sugarol tinanggal sa 4Ps

NASA 47,078 miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) beneficiary ng buong Region 1 ang tinanggal sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanilang irregular na gawain at pag-uugali.

47k na lasenggo sugarol tinanggal sa 4ps - 47K na lasenggo, sugarol tinanggal sa 4Ps
ABANTE casino - 47K na lasenggo, sugarol tinanggal sa 4Ps

NASA 47,078 miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) beneficiary ng buong Region 1 ang tinanggal sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanilang irregular na gawain at pag-uugali.

Ayon kay DSWD-Region 1 (DSWD-R1) spokesperson Jaesem Ryan Gaces, ang mga tinanggal na beneficiary ay nakatatlong paglabag na sa mga inilatag nilang alituntunin.

“They have reached the maximum of third offense for their misconducts, among which are cash card pawning, gambling, drinking (alcohol) vice,” ani Gaces.

Sinabi ni Gaces, sa datos ng DSWD-R1, mula sa mga natanggal na mga beneficiary, 24,331 dito ay mula sa Pangasinan; Ilocos Norte, 6,063; Ilocos Sur, 8,937; at 7,747 sa La Union.

“They can no longer avail of the 4Ps’ benefits but they can still avail of other services by DSWD,” sabi ng spokesperson.

Hinikayat ni Gaces ang publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang 4Ps beneficiary na hindi tumutupad sa kanilang alituntunin.

“The reports will be acted upon by our office provided the complaints are backed with evidence. We will conduct (an) investigation and (once) the complained beneficiary reaches third offense, they might be delisted,” banta ni Gaces.

Samantala, nasa 6,958 na mga beneficiary sa buong rehiyon ang nadeklarang “self-sufficient” o waived mula sa 4Ps.

“They are those who voluntarily waived (no longer accept benefits from 4Ps) as they believe, and based on the parameters, (they) can now stand on their own even without government subsidy,” ani Gaces.

Sa Region 1, mayroong 189,985 na aktibong mga kabahayan ay nasa 4Ps, ayon kay Gaces. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *