47 lang Chinese worker sa Boracay – Bello

ITINANGGI ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ulat na bumabaha na ang mga manggagawang Chinese sa Boracay.

The post 47 lang Chinese worker sa Boracay – Bello appeared first on Abante News Online.

47 lang chinese worker sa boracay bello - 47 lang Chinese worker sa Boracay – Bello
Abante 2019 DOLE Secretary Silvestre Bello III - 47 lang Chinese worker sa Boracay – Bello

ITINANGGI ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ulat na bumabaha na ang mga manggagawang Chinese sa Boracay.

Sa ulat na ipinarating ni Bureau of Local Employment Director Dominque Tutay sa kalihim, mayroon lamang 151 na dayuhang manggagawa sa Boracay at 47 lamang dito ang Chinese.

Ayon kay Bello, pawang may alien employment permit, mga skilled at professional ang mga nasabing Tsino.

Hindi rin aniya alam kung saan nagmumula ang balita na marami ang mga Chinese national na nagtratrabaho sa Boracay.

Sinabi ni Bello na hindi papayag ang kagawaran sa pag-empleyo ng Chinese o alinmang dayuhan na makapagtrabaho sa isla lalo na kung may avai­lable na manggagawang Pilipino na akma sa kailangang trabaho roon.

Tiniyak naman ng kalihim na patuloy nilang mamanmanan ang mga Chinese establishment sa Boracay kung binibigyan ng prayoridad ang mga Tsino kaysa sa mga Pilipino.

Sinabi ni Bello na kahit kapos sila sa mga labor inspector, ginagawa nila ang lahat ng paraan para maberipika ang mga natatanggap nilang ulat.

Hinikayat din niya ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan kung may nakikita silang Chinese na nagtatrabaho sa isang pagawaan o establisim­yento na kaya namang gawin ng mga Pinoy. (Mina Aquino)

The post 47 lang Chinese worker sa Boracay – Bello appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *