450K estudyante lumipat sa public

MAHIGIT isang linggo bago ang balik eskuwela sa public school sa Oktubre 5 ay kinumpirma ng Department of Education na halos kalahating milyong estudyante mula sa private school ang lumipat sa public.

The post 450K estudyante lumipat sa public first appeared on Abante.

450k estudyante lumipat sa public - 450K estudyante lumipat sa public
estudyante 1 - 450K estudyante lumipat sa public

MAHIGIT isang linggo bago ang balik eskuwela sa public school sa Oktubre 5 ay kinumpirma ng Department of Education na halos kalahating milyong estudyante mula sa private school ang lumipat sa public.

Sa inilabas na ulat ng DepEd nasa kabuuang 429, 012 mga estudyante sa elementary at high school ang nagdesisyong mag-enrol sa public school ngayong pandemya.

Nasa kabuuang 262,515 ang mula sa elementarya; 114,150 sa junior high school; 45,253 sa senior high school at 7,094 naman mula sa learners with disabilities.

Sa pinakahuling ulat ng DepEd nitong Setyembre 15 ay nasa 24,456,766 na ang mga nag-enroll sa buong bansa o katumbas ng 88.06% ng bilang ng 2019-2020 school year.
Nasa 22,321,903 ang nag-enroll sa public school o 98.88% ng SY 2019 at 2,082,101 naman sa mga private school o katumbas ng 48.37% ng record noong 2019.

The post 450K estudyante lumipat sa public first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *