45 ostrich ng Nueva Ecija nawawala — COA

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang provincial government ng Nueva Ecija hinggil sa 45 ostrich na nawawala.

45 ostrich ng nueva ecija nawawala coa - 45 ostrich ng Nueva Ecija nawawala — COA
coa 3 - 45 ostrich ng Nueva Ecija nawawala — COA

SINITA ng Commission on Audit (COA) ang provincial government ng Nueva Ecija hinggil sa 45 ostrich na nawawala.

Ginisa ng mga auditor ang pinuno ng Provincial Veterinary Office (PVO) dahil sa magkakasalungat nitong pahayag tungkol sa mga government asset.

Sa ginawang pagbusisi sa libro ng provincial government, nakita dito ang biniling 45 ostrich noong 2004 para sa zoo animals sa halagang P204,480.
Subalit sa ginawang beripikasyon, wala na pala sa custody ng Nueva Ecija ang mga nasabing hayop.

“According to (the head veterinarian) the ostriches were allegedly donated to some politicians before the assumption of the former governor and no documents were left nor prepared for the said transactions,” ayon sa 2018 audit report.

Kinuwestyon din ng COA ang pagbili ng provincial government ng 42 kambing.
Ayon sa COA, “disadvantage” ito sa gobyerno at sablay din sa isinasaad ng Philippine Public Sector Accounting Standards.

“Due to inexistence of ostriches, the asset and equity accounts of the province are overstated by P204,480. While the unrecorded Goats understate the Asset and equity accounts of undetermined amounts,” ayon sa report.

Inatasan ng COA si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, asawa ng dating gobernador, na hanapin ang mga nawawalang ostrich at magpaliwanag din kung bakit kinailangan pa silang bumili ng mga kam­bing.

(Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *