443 kilo karne ng baboy nasamsam sa Davao airport

UMAABOT sa 443 kilo ng mga karne ng baboy ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.

443 kilo karne ng baboy nasamsam sa davao airport - 443 kilo karne ng baboy nasamsam sa Davao airport
ABANTE baboy 4 - 443 kilo karne ng baboy nasamsam sa Davao airport

UMAABOT sa 443 kilo ng mga karne ng baboy ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) district collector lawyer Erastus Sandino Austria, ang mga nakumpiskang produkto ay mula sa pasahero na galing pa sa African Swine Fever ASF-affected country.

Dinala ang mga nakumpiskang produkto sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa proper disposal.

Sinabi naman ni Mindanao Development Authority (Minda) chairman Emmanuel Piñol na ang mga banned import ngayong domestic and wild pig product ay mula sa mga bansang China, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine na kilalang mga bansa na apek­tado ng ASF noong nakaraang taon.

Habang pasok naman ang Mongolia, Vietnam, Cambodia, Hong Kong, North Korea, Laos, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary, Bulgaria, at Belgium na ban na ring ipasok sa ating bansa ang kanilang mga produktong karne ng baboy. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *