44 na K9 binida ng NCRPO

Higit na pinalakas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang “Shock and Awe Operation” sa pagsasanay ng 44 nilang K9 unit bilang katuwang sa paglaban sa kriminalidad ngayong panahon ng pandemya.

The post 44 na K9 binida ng NCRPO first appeared on Abante.

44 na k9 binida ng ncrpo - 44 na K9 binida ng NCRPO
abante k9 1 - 44 na K9 binida ng NCRPO

Higit na pinalakas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang “Shock and Awe Operation” sa pagsasanay ng 44 nilang K9 unit bilang katuwang sa paglaban sa kriminalidad ngayong panahon ng pandemya.

Sa idinaos na press briefing kahapon, sinabi ni NCRPO PMGen Debold Sinas na itatalaga ang mga bomb at narcotic sniffing dog sa mga linya ng LRT, MRT, mga embassy, pantalan at mga airport.

Ani Sinas, hindi na sila manghihiram ng mga narcotic sniffing dog sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil apat sa mga ito ay bihasa na sa pag-amoy at pagtunton sa mga iligal na droga.

Kalahati sa mga K9 unit ay donasyon ng pamahalaang Amerika habang ang ilan ay ipina-breed at ibinigay lang sa kanila.

Samantala, bukod sa mga sniffing dog ay ipinagmalaki rin ni Sinas ang kanilang bomb basket na sumasalo at nagpapasabog ng mga bomba ng hindi lilikha ng malaking peligro sa lugar. (Mia B. Billones)

The post 44 na K9 binida ng NCRPO first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *