44 kinasuhan sa riot ng HK protest

UMABOT sa 44 katao, kabilang ang 14 estudyante, ang kinasuhan ng Hong Kong police dahil sa naganap na riot sa iligal na kilos-protesta noong Linggo.

44 kinasuhan sa riot ng hk protest - 44 kinasuhan sa riot ng HK protest
abante Hong Kong - 44 kinasuhan sa riot ng HK protest

UMABOT sa 44 katao, kabilang ang 14 estudyante, ang kinasuhan ng Hong Kong police dahil sa naganap na riot sa iligal na kilos-protesta noong Linggo.

Ito ang unang kasong isinampa ng pulisya matapos ang walong linggong demonstrasyon sa Hong Kong.

Nahaharap sila ng pagkakulong ng sampung taon kung mahahatulang guilty. Ang pinakabatang kinasuhan ay 16 taon gulang na babae.

Humarap sa Eastern Magistrates Court nitong Miyerkoles ang mga kinasuhan at agad naman silang binigyan ng piyansa.

Sa isang statement nitong Martes, inakusahan ng pulisya ang mga demonstrador ng pag-atake sa mga pulis.

Bukod sa pananakit sa mga pulis, sinira din umano ng mga raliyista ang mga bakod sa kalsada, street sign at mga lamppost.

Nitong nakaraang linggo, sa Chater­ Gardens lamang pinapa­yagan ang mga demonstrador na magsagawa ng rally, pero nagmartsa sila patu­ngong Liaison Office ng China kung saan naganap ang salpukan ng mga riot police at mga nagpoprotesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *