42M shares ng Landbank tinangay ng Meralco-MVP

INUTUSAN na ng Korte Suprema ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan na isauli sa Land Bank of the Philippines ang mahigit tatlong milyong shares nito sa kompanya noon pang 2011 na hindi pa rin nito ibinabalik lahat sa kabila na mga paalala ng Landbank pati na ng Office of the Government Corporate Counsel.

The post 42M shares ng Landbank tinangay ng Meralco-MVP appeared first on Abante News Online.

42m shares ng landbank tinangay ng meralco mvp - 42M shares ng Landbank tinangay ng Meralco-MVP
Abante Landbank - 42M shares ng Landbank tinangay ng Meralco-MVP

INUTUSAN na ng Korte Suprema ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan na isauli sa Land Bank of the Philippines ang mahigit tatlong milyong shares nito sa kompanya noon pang 2011 na hindi pa rin nito ibinabalik lahat sa kabila na mga paalala ng Landbank pati na ng Office of the Government Corporate Counsel.

Walang pakundangang kinansela ng Meralco ang shares na nakapa­ngalan sa Landbank at ipinangalan sa iba noong Nobyembre 2008 para daw sumunod sa sheriff ng Department of Agrarian Reform na ibinasura naman agad ng Supreme Court (SC).

Pormal na inutusan ng SC ang Meralco na isauli na ang mahigit 42 milyong shares ng Landbank nu’ng Disyembre 2011 at naging pinal ang kautusan nu’ng Setyembre 2012. Abril 2013 na isinauli ng Meralco ang shares pero 38.6 milyon lamang kasama, ang P1.2 bilyong cash para sa cash dividends mula sa shares at 108.9 milyon shares ng Rockwell Land Corp.

Ayon sa Commission on Audit, hindi pa rin naibabalik ng Meralco ang 3.37 milyong shares na nagkakahalaga na sa P1.3 bilyon hanggang ngayon pati na ang kita nitong dibidendo na P403.5 milyon nu’ng 2018 at P358.4 milyon nu’ng 2017. Bukod pa rito ang 9.5 milyong shares sa Rockwell Land na property dividend at ang mga hindi bayad na dibidendo mula sa 1.4 mil­yong shares ng Meralco na umaabot sa P8.1 milyon.

Sa 24 na legal proceedings na inilista ng Meralco sa 2018 annual report nito, hindi kasama ang kaso nito sa Landbank. Nu’ng 2018, uma­bot sa P142 milyon ang suweldo ng limang may pinakamala­king suweldo sa Meralco, bukod pa rito ang P80 mil­yong bonus nila at P14 milyong conversion na unused leave benefits. (Eileen Mencias)

The post 42M shares ng Landbank tinangay ng Meralco-MVP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *