420K Pinoy jobless sa pandemya – DOLE

Umabot na sa 420,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, habang 4.5 milyong manggagawa ang apektado ng flexible work arrangement at pansamantalang pagsasara ng mga negosyo.

The post 420K Pinoy jobless sa pandemya – DOLE first appeared on Abante.

420k pinoy jobless sa pandemya dole - 420K Pinoy jobless sa pandemya – DOLE
abante jobless 1 - 420K Pinoy jobless sa pandemya – DOLE

Umabot na sa 420,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, habang 4.5 milyong manggagawa ang apektado ng flexible work arrangement at pansamantalang pagsasara ng mga negosyo.

Ito ang iniulat ni Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay kung saan sa huling datos na inilabas ay kabilang ang mga manggagawa na pansamantalang natanggal sa trabaho.

Mula aniya ito sa mga kompanya at establisimyento na maaaring kumuha ng Flexible Work Arrangement (FWA) o Alternative Work Scheme (AWS) o pansamantalang sarado.

Ang mga kompanya ay nagpatibay ng mga scheme upang makatulong na mabawasan ang epekto ng pandemya sa kanilang mga negosyo pati na rin sa kanilang mga manggagawa.

Sa kabilang banda, una nang iniulat ng International Labor Affairs Bureau (ILAB) na higit sa 500,000 mga overseas Filipino worker ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.(Mina Navarro)

The post 420K Pinoy jobless sa pandemya – DOLE first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *