41 pamilyang nasunugan sa Las Piñas, tinulungan

Personal na binisita nina Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, Congresswoman Camille Villar at Senador Bong Go ang 41 na pamilya na nawalan ng tirahan sa naganap na sunog nitong Huwebes ng madaling-araw sa lungsod.

41 pamilyang nasunugan sa las pinas tinulungan - 41 pamilyang nasunugan sa Las Piñas, tinulungan
april aguilar - 41 pamilyang nasunugan sa Las Piñas, tinulungan

Personal na binisita nina Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, Congresswoman Camille Villar at Senador Bong Go ang 41 na pamilya na nawalan ng tirahan sa naganap na sunog nitong Huwebes ng madaling-araw sa lungsod.

Nagbigay ng pinansiyal na tulong si Go sa mga pamilyang nasunugan katumbas ng 191 indibiduwal na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center sa Malungay covered court, Phase 4, Barangay CAA sa nabanggit na lungsod dakong alas-2:30 ng hapon.

Nangako rin ng livelihood program ang senador katuwang ang Department Trade and Industry (DTI) upang makapagtayo ng maliit na negosyo ang mga biktima at makabangon sa nangyaring sunog.

Nag-alok din si Go ng gamit pang-eskuwela kabilang ang kumpletong uniforms at sapatos ng mga naapektuhang estudyante.

Unang namahagi ng tulong si Vice Mayor Aguilar ng blankets, banig, bigas, de-lata, noodles at pagkain sa mga biktima matapos mabatid ang insidente.

Naglagay naman ang Las Piñas Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga modular tent sa evacuation center para sa bawat pamilyang nasunugan.

Magugunitang sumiklab ang sunog sa Mabuhay St., Phase 3, Barangay CAA dakong alas-2:12 ng madaling-araw (Oktubre 10) na ikinatupok ng 31 na bahay na pawang gawa sa light materials nang umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection dakong alas-3:25 ng madaling-araw.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naganap na sunog. (armida d. rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *