41 hektarya ng mais napinsala ng peste sa Isabela, Nueva Vizcaya

APEKTADO ang tinata­yang 41 hektarya ng mais sa pag-atake ng fall army worm o mga peste, sa Isabela at Nueva Vizcaya, ayon sa Departnment of Agriculture-Region 2 (DA-R2).

41 hektarya ng mais napinsala ng peste sa isabela nueva vizcaya - 41 hektarya ng mais napinsala ng peste sa Isabela, Nueva Vizcaya
mais - 41 hektarya ng mais napinsala ng peste sa Isabela, Nueva Vizcaya

APEKTADO ang tinata­yang 41 hektarya ng mais sa pag-atake ng fall army worm o mga peste, sa Isabela at Nueva Vizcaya, ayon sa Departnment of Agriculture-Region 2 (DA-R2).

Ayon kay DA-R2 officer Ruberto Busania, nagsimula noong Hunyo nang maitala sa ba­yan ng Piat na sinundan ng ibang bayan sa probinsya maging sa ­Isabela at Nueva ­Vizcaya ang pag-atake ng nasabing peste.

Gayunman, aniya, sa pamamagitan ng mga bio control agent at mga chemical pesticide, maging ang suporta ng ibi­nigay ng mga lokal na pamahalaan ay nakokontrol na nila ang pag-atake ng nasabing peste­ na laking­ perwisyo sa magsasaka ng mais.

Ayon kay Busania, bagama’t mayroon pang maaani mula sa 41 hektaryang apektado ng pag-atake ng fall army worm, hindi na umano ito gaanong kalaki katulad ng inaasahang maaani ng mga magsasaka.

Samantala, naniniwala ang opisyal na nanggaling ang nasabing peste sa ibang bansa kung saan maaring naisama ito sa mga na-iimport na mga goods.

Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang surveillance ng kanilang ahensiya sa ibang lugar para masugpo ang pagdami ng nasabing peste sa kanilang rehiyon. ­(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *