400K deboto ng Nazareno wanted sa mga Mayor

Isang misyon ang binuo ng mga alkalde sa Metro Manila upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 kasunod ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno noong Sabado.

The post 400K deboto ng Nazareno wanted sa mga Mayor first appeared on Abante.

400k deboto ng nazareno wanted sa mga mayor - 400K deboto ng Nazareno wanted sa mga Mayor
abante nazareno 3 - 400K deboto ng Nazareno wanted sa mga Mayor

Isang misyon ang binuo ng mga alkalde sa Metro Manila upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 kasunod ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno noong Sabado.

Sa kanilang emergency meeting noong Linggo, nagkaisa sila na hanapin ang mga debotong dumagsa sa Quiapo noong nakaraang linggo at suriin kung may mga sintomas sila ng nakamamatay na virus.

Inirekomenda rin nila na isailalim sa mandatory COVID-19 test ang mga deboto para lang matiyak na hindi sila carrier ng hindi nakikitang kalaban.

Gagamiting lead o basehan ng mga mayor ang contact tracing form na pinapirmahan pulisya sa mga deboto bago sila pinayagang makapasok sa simbahan.

Nangangamba ang mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) dahil ang pista ng Itim na Nazareno ang pinakamalaking pagtitipon ng mga tao simula nang ipatupad ang lockdown sa iba’t-ibang bahagi ng bansa noong Marso ng nakaraang taon.

Tinatayang may kalahating milyong deboto ang dumagsa sa nasabing taunang tradisyon ng mga Katoliko kaya may posibilidad umano na maging dahilan ito upang maging “superspreader” ng virus ang nasabing okasyon.

Kinausap na rin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga lokal na parokya at mga Nazarene group para tukuyin ang mga debotong nagtungo sa Quiapo noong Sabado.

Hiniling naman ni San Juan, Mayor Francis Zamora sa kanilang mga debotong residente na makipag-ugnayan agad sa kanila sakaling may maramdaman silang sintomas kahit nakita niyang naka-face mask at face shield ang mga ito.

Tiniyak ng mga alkalde na libre ang ibibigay nilang COVID-19 test. (Mia Billones)

The post 400K deboto ng Nazareno wanted sa mga Mayor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *