400 contact tracer ikakalat sa Caloocan

Sumailalim sa masusing pagsasanay ang nasa 400 contact tracer para hanapin ang mga residente sa Caloocan City na may sintomas ng COVID-19.

400 contact tracer ikakalat sa caloocan - 400 contact tracer ikakalat sa Caloocan
400 contact tracer - 400 contact tracer ikakalat sa Caloocan

Sumailalim sa masusing pagsasanay ang nasa 400 contact tracer para hanapin ang mga residente sa Caloocan City na may sintomas ng COVID-19.

Sinala ng City Health Office ang mga ini-assigned na contact tracer na dumaan sa apat na araw na seminar at sila ay binubuo ng mga psychologist, encoder mula sa iba’t ibang departamento, dentista, nurse, health worker, pati na ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs).

Sa pahayag ni Mayor Oscar Malapitan, pangunahing trabaho ng mga bagong contact tracer ay hanapin ang mga nakasalamuha ng COVID-19 sa lungsod at alamin ang mga naging aktibidad ng mga ito mula sa araw na siya ay nakaramdam ng sintomas o mula sa araw na siya ay sumailalim sa swab testing.

Tiniyak din ng alkalde ang kaligtasan ng mga contact tracer sa pamamagitan ng pag=escort ng mga pulis kapag nag-iikot na sa mga barangay sa lungsod.

“Ang agresibong contact tracing ay ating isinasagawa dahil isa ito sa mga susi para mabilis na matukoy ang mga nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19 nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat nito,”ani Mayor Malapitan. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *