40 kilo ng pagi nasabat sa Cebu

UMABOT sa 40 kilo ng pagi o stingray ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa Carbon Public Market sa Cebu City, Biyernes nang umaga.

The post 40 kilo ng pagi nasabat sa Cebu appeared first on Abante News Online.

40 kilo ng pagi nasabat sa cebu - 40 kilo ng pagi nasabat sa Cebu
pagi - 40 kilo ng pagi nasabat sa Cebu

UMABOT sa 40 kilo ng pagi o stingray ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa Carbon Public Market sa Cebu City, Biyernes nang umaga.

Nahuli ng mga tauhan ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) ng nasabing lungsod ang mga nagtitinda ng pagi, na nabatid na kasama sa ipi­nagbabawal na hulihin at itinda.

Ayon sa ulat, mayroong umiiral na Ordinance No. 2006 laban sa iligal na pagbebenta ng pagi at pating na kabilang sa mga pinoprotektahang lamang dagat.

Dagdag pa ng DVMF, hinahango mula sa Zamboanga ang mga nasabat na pagi.

Posible umanong ma-ban sa nasabing palengke ang mga nahu­ling luma­labag sa kautusan at maaari ring maharap sa multa na posib­leng uma­bot hanggang P100,000.

The post 40 kilo ng pagi nasabat sa Cebu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *