40 bloke ng cocaine nalambat sa Surigao del Norte

UMAABOT sa 40 bloke ng pinaniniwalaang cocaine at tumitimbang ng 40 kilo ang nalambat ng mga mangi­ngisda sa karagatan sakop ng Burgos sa Surigao Del Norte kamakalawa nang hapon.

The post 40 bloke ng cocaine nalambat sa Surigao del Norte appeared first on Abante News Online.

40 bloke ng cocaine nalambat sa surigao del norte - 40 bloke ng cocaine nalambat sa Surigao del Norte
cocaine 3 - 40 bloke ng cocaine nalambat sa Surigao del Norte

UMAABOT sa 40 bloke ng pinaniniwalaang cocaine at tumitimbang ng 40 kilo ang nalambat ng mga mangi­ngisda sa karagatan sakop ng Burgos sa Surigao Del Norte kamakalawa nang hapon.

Base sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 13, dakong alas-4:30 ng hapon nang makuha nila ang bulto-bultong cocaine na nakabalot pa sa isang fishnet at may kapareho ding marking na ‘3B Bugati’ kahalintulad ng mga unang nakuha sa Brgy. Pacifico, San Isidro, Siargao, Surigao del Norte noong nakaraang Pebrero.

Nabatid na kasalukuyang nangi­ngisda sina Alvin Dumanjog, Abundioa Dumanjog at Rodulfo Romeo sa nabatid na karagatan ng kanilang matagpuang palutang-lutang ang isang bagay na nakalagay sa itim fishnet at ng kanilang suriin ang laman ay tumambad sa kanila ang bulto-bultong cocaine.

Agad namang ipinaabot ng mga mangingisda ang natagpuang bulto ng iligal na droga sa pulisya na mabilis na nagtungo sa lugar at doon nila nakita ang 40 brick ng cocaine na nakabalot sa rubberized na itim na plastic bag at ibinalot ng itim na fishnet.

Ayon sa pulisya tinatayang aabot sa halagang P212,000,000 ang inisyal na halaga ng nakuhang cocaine na ngayon ay nasa kustodiya ng Burgos Municipal Police Station (MPS) at nakatakdang i-turn over sa PNP Crime Laboratory para sa pagsusuri at beripikasyon na kailangang gawin.

Samantala maghahati-hati ang tatlong mangingisda sa 40 kabang bigas na magiging pabuya nila sa pagkakatagpo ng nabatid na iligal na droga.

Nauna ng nangako ang pulisya at lokal na pamahalaan ng Surigao na papalitan nila ng isang kabang bigas ang kada isang bloke ng cocaine na makukuha ng mga mangingisda sa karagatan. (Edwin Balasa)

The post 40 bloke ng cocaine nalambat sa Surigao del Norte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *