4 undocumented OFW nabuko sa NAIA

BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa na iligal na kinakalap kasunod ng pagkakaharang sa apat na kalalakihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagtangkang umalis upang magtrabaho sa Libya.

4 undocumented ofw nabuko sa naia - 4 undocumented OFW nabuko sa NAIA
ofw 6 - 4 undocumented OFW nabuko sa NAIA

BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa na iligal na kinakalap kasunod ng pagkakaharang sa apat na kalalakihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagtangkang umalis upang magtrabaho sa Libya.

Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina, ang apat na kalalakihan ay pinigil umalis sa NAIA Terminal 1 noong Biyernes matapos tangkaing sumakay sa kanilang flight patungong Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

Base sa ulat ng BI, ang apat ay nagkunwaring mga turista papuntang UAE, at binalak na tumuloy sa Amman, Jordan bago pumunta sa kanilang huling patutunguhan sa Libya kung saan sila ay tinanggap upang magtrabaho bilang mga aircon technician at pipe fitter.

Anila, hinikayat silang magtrabaho sa Libya sa kabila ng deployment ban dahil na rin sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na nagtatrabaho na doon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, isinasaalang-alang nila ang kaligtasan ng mga posibleng mga maging biktima na malagay sa peligro pagdating sa bansang kanilang pupuntahan lalo na kung sila ay iligal na nakalap.

Sinabi ni Morente na dahil sa insidente ay dapat maging mabilis ang mga information officer sa mga paliparan at doblehin ang kanilang paghihigpit sa pagpapatupad ng pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa tulad ng Libya kung saan nagaganap ang isang digmaang sibil sa mga grupo na nais makuha ang control ng gobyerno.

(Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *