4 tulak tiklo, P400K shabu sinamsam sa Caloocan

Nasakote ng kapulisan ang apat na tulak habang aabot sa halagang P408,000 ang 60 gramo ng shabu na kinumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

The post 4 tulak tiklo, P400K shabu sinamsam sa Caloocan first appeared on Abante.

4 tulak tiklo p400k shabu sinamsam sa caloocan - 4 tulak tiklo, P400K shabu sinamsam sa Caloocan
Tiklo - 4 tulak tiklo, P400K shabu sinamsam sa Caloocan

Nasakote ng kapulisan ang apat na tulak habang aabot sa halagang P408,000 ang 60 gramo ng shabu na kinumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Rommel Villanueva; Arthur Penalosa, 42; Hernan Potoza, 23; Resty Santiago, 26. Gayunman, nakatas dito ang kasaahan nila na top 8 sa drug watchlist ng Northern Police District (NPD) na kinilalang si Yuki Paragatos.

Bago ang pagkaka-aresto sa apat na tulak, isinailalim muna sila under surveillance operation ng mga tauhan ng District Special Operation Group hanggang sa magpositibo ang report na sa buong Camanava area ang distribusyon ng iligal na droga ng grupo.

Kinasa ang operasyon laban sa grupo sa Dagat-Dagatan, Brgy. 8 alas-dos Sabado ng hapon. Isa sa mga tauhan operatiba ang nagpanggap na buyer at bumili ng P6,000 halaga ng shabu sa mga suspek.

Makaraan ang abutan, doon na nagsulputan ang mga pulis at inaresto ang mga ito, pero mabilis na nakatakbo si Yuri na hinabol naman ng mga pulis, pero naglaho matapos pumasok sa isang eskinita sa lugar. (Orlan Linde)

The post 4 tulak tiklo, P400K shabu sinamsam sa Caloocan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *