4 tulak bulagta sa Laguna

4 tulak bulagta sa Laguna

NANLABAN hanggang masawi diumano ang apat na drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng awtoridad kahapon nang madaling-araw sa Laguna.

The post 4 tulak bulagta sa Laguna appeared first on Abante News Online.

4 tulak bulagta sa laguna - 4 tulak bulagta sa Laguna
dead 10 - 4 tulak bulagta sa Laguna

NANLABAN hanggang masawi diumano ang apat na drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng awtoridad kahapon nang madaling-araw sa Laguna.

Base sa ulat mula sa Laguna Police Provincial Office nasawi ang isang alyas ‘Meng’, sa PNR site, Brgy. Nueva, San Pedro City dakong alas-12:05 nang hatinggabi.

Nakahalata umano ito na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bumunot ng kanyang kalibre .45 baril at paputukan ang police poseur buyer subalit nakaganti ito ng putok.

Dakong ala-1:45 nang madaling-araw naman nang mapatay ang suspek na si Roberto Patricio Jr., sa Main Road, Camella Homes, Bermuda, Brgy. Banlic Cabuyao City.

Nakuha sa suspek ang ilang sachet ng shabu at isang kalibre .38.

Napatay naman dakong alas-dos ng mga tauhan ng Calamba City Police ang dalawang suspek na sina Renato Norvaez alyas ‘Ace’ at Andrew Diatao, sa Bucal ng nasabing lungsod.

Tulad ng mga nauna, nakahalata umano sina Norvaez at Diatao, na pulis ang kanilang k­atransaksyon dahilan upang bumunot ng baril ang mga ito.

Nauwi sa engkuwentro ang buybust operation na ikinasawi ng mga suspek, nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang ilang sachet ng shabu, buy-bust money at kalibre .38 at .9 mm na baril na ginamit ng mga suspek sa panlalaban. (Edwin Balasa/Ronilo Dagos)

The post 4 tulak bulagta sa Laguna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *