4 pulubi nanalo sa French lotto

Apat na pulubi sa France ang nanalo ng 50,000 euro (katumbas ng P2,842,017) gamit ang scratchcard na binigay lang sa anila, ayon sa French lottery operator FDJ.

The post 4 pulubi nanalo sa French lotto first appeared on Abante.

4 pulubi nanalo sa french lotto - 4 pulubi nanalo sa French lotto
abante lotto 2 - 4 pulubi nanalo sa French lotto

Apat na pulubi sa France ang nanalo ng 50,000 euro (katumbas ng P2,842,017) gamit ang scratchcard na binigay lang sa anila, ayon sa French lottery operator FDJ.

Namamalimos umano ang apat na lalaking pulubi nasa 30s ang mga edad, sa labas ng isang tayaan ng lotto sa western port city ng Brest nang abutan sila ng isang kustomer ng scratchcard na binili sa halagang isang euro.

Laking gulat na lamang umano ng apat na pulubi nang madiskubre na nanalo sila ng 50,000 euro.

Ayon sa lotto operator, pinaghatian ng apat na pulubi ang kanilang napanalunan.

Wala pa umanong plano ang mga ito kung ano ang gagawin sa kanilang pera at nagpasyang umalis sa nasabing bayan.

The post 4 pulubi nanalo sa French lotto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *