4 pulis kalaboso sa online sabong

ARESTADO ang apat na pulis at isang civilian employee ng Philippine National Police (PNP) matapos na maaktuhang umiinom ng alak habang tumataya sa online sabong sa isinagawang operasyon kamakalawa nang gabi sa Quezon City.

The post 4 pulis kalaboso sa online sabong appeared first on Abante News Online.

4 pulis kalaboso sa online sabong - 4 pulis kalaboso sa online sabong
cops - 4 pulis kalaboso sa online sabong

BY Edwin Balasa

ARESTADO ang apat na pulis at isang civilian employee ng Philippine National Police (PNP) matapos na maaktuhang umiinom ng alak habang tumataya sa online sabong sa isinagawang operasyon kamakalawa nang gabi sa Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na pulis na sina P/Senior Master Sergeant Gerry Ocampo, naka-assign sa PNP Crime Laboratory; SMS Demetrio Laroya, Staff Sergeant Erwin Gobis, Cpl. Ariel Pasion, pawang naka-assign sa Health Service at non-uniformed personnel (NUP) Leo Ocinar.

Kasama ding naaresto ang dating pulis na sina Fidel Agustin at Teddy Carpio, may-ari ng online sabong kung saan tumataya ang mga suspek.

Ang mga naarestong suspek ay nadakip matapos ang isinagawang operasyon kung saan nagsusugal ang mga ito sa pamamagitan ng pagtaya sa online sabong habang umiinom ng alak sa isang restaurant sa 3rd Avenue, Brgy. Bagong Lipunan sa Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa P14,430 pera, dalawang TV set na ginagamit sa pagsusugal at 23 bote ng alak.

Ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon matapos makatanggap ng mga ulat kaugnay sa madalas na pagtambayan habang nagsusugal at nag-iinom ng ilang mga pulis sa naturang pampublikong lugar.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.

The post 4 pulis kalaboso sa online sabong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *