4 pulis huli sa inuman, hepe tanggal sa puwesto

Nabulaga sa isinagawang spot inspection ng Regional Internal Affairs Service ng National Capital Region Police Office (RIAS-NCRPO) ang apat na pulis sa Las Pinas Police Community Precint (PCP) Station 6 na nahuling nag-iinuman habang naka-duty kahapon ng madaling-araw.

4 pulis huli sa inuman hepe tanggal sa puwesto - 4 pulis huli sa inuman, hepe tanggal sa puwesto
abante inuman - 4 pulis huli sa inuman, hepe tanggal sa puwesto

Nabulaga sa isinagawang spot inspection ng Regional Internal Affairs Service ng National Capital Region Police Office (RIAS-NCRPO) ang apat na pulis sa Las Pinas Police Community Precint (PCP) Station 6 na nahuling nag-iinuman habang naka-duty kahapon ng madaling-araw.

Dahil sa pangyayari ay agad sinibak sa puwesto ang nahuling pulis na sina Police Cpl. Robemar Abales; Patrolman Samrus Inoc; Police Cpl. Randy Danao; at Police Cpl. Alcuin Orgen.

Sinibak din ang hepe ng PCP 6 na si Police Capt Gladys Biare, dahil sa command responsibility.

Sa ulat, isang surprise inspection ang isinagawa sa pangunguna ni Police Brig. General Jerry Galvan, Director ng RIAS-NCRPO dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Las Pinas City Police station at pagdating nila sa Petron Gasoline station sa Alabang Zapote Road sa Barangay Talon 1 ay natiyempuhan ang apat na pulis na nakasuot pa ng uniporme habang nag-iinuman.

Agad na dinisarmahan ng mga tauhan ni Galvan ang mga nahuling pulis na naka-duty pala ng mga oras na iyon upang magbantay ng checkpoint sa lugar. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *