4 party-list pinondohan sa kampanya ng NEA

KINASUHAN ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE) sa Ombudsman sina National Electrification Administration(NEA) administrator Edgardo Masongsong at iba pang mga opisyal dahil sa pag-apruba sa paggamit ng pondo ng mga electric cooperatives para pondohan ang kampanya sa politika ng apat na nag-aambisyong party list group.

The post 4 party-list pinondohan sa kampanya ng NEA appeared first on Abante News Online.

4 party list pinondohan sa kampanya ng nea - 4 party-list pinondohan sa kampanya ng NEA
ABANTE NEA - 4 party-list pinondohan sa kampanya ng NEA

By Eileen Mencias

13 opisyal kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE) sa Ombudsman sina National Electrification Administration(NEA) administrator Edgardo Masongsong at iba pang mga opisyal dahil sa pag-apruba sa paggamit ng pondo ng mga electric cooperatives para pondohan ang kampanya sa politika ng apat na nag-aambisyong party list group.

Kasong kriminal at administratibo ang hinaharap ng mga opisyal ng NEA.
Idinulog ng Nasecore ang 18-pahinang reklamo sa Ombusdman noong May 7, 2019.

Bukod kay Masongsong, ang iba pang kinasuhan ay sina Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, bilang alternate chairman at miyembro ng NEA Board, Agustin Maddatu, Rene M. Gonzales at Alipio Cirilo Badelles.

Damay rin sa kaso si Philreca president Presley De Jesus , Ako Padayon nominee Adriano Ebcas, Rcoboda nominee Godofredo Guya, APEC nominee Sergio Dagooc, Pampanga I Electric Coop. president Edgardo Sagum, Peninsula Electric Coop president Fernando Manalili, Pampanga III Electric Coop. president Cesar Sigua Jr. at Zambales III Electric Coop. president Ernesto Bonilla.

Ayon kay Nasecore Kontra Brown Out nominee at dating Energy Undersecretary Pete Ilagan, labag sa mandato ng NEA ang paglaspag ng pera sa politika imbis na gamitin ito sa pagpapaganda ng serbisyo ng electric cooperatives.
Napag-alaman naman sa tanggapan ni Fuentebella na hindi pa nila nababasa ang reklamo ng Nasecore

subalit sasagutin niya ito ng nararapat.

Ayon naman sa NEA inaalam pa nila ang detalye ng kaso kaya’t hindi pa sila makapagbibigay ng pahayag.

The post 4 party-list pinondohan sa kampanya ng NEA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *